Sitti Nurhaliza: Ginintuang Tinig at Puso ng Asya
ni John Henry M. Ochoa Jr.
Isa sa pinakamahusay na mang-aawit sa Asya si Sitti Nurhaliza mula sa bansang Malaysia. Nagkamit siya ng iba't-ibang parangal sa pag-awit hindi lamang sa kanyang bansa kundi maging sa pang-internasyunal na patimpalak. Isa na rito ang titulong "Voice of Asia" nang makamit niya ang Grand Pix Champion mula sa Voice of Asia Singing Contest na ginanap sa Almaty, Kazakhstan.
Labing-anim na taong gulang siya nang pumasok sa larangan ng pag-awit. Dahil sa likas na talento sa pag-awit narating niya rurok ng tagumpay bilang multiple-platinum selling artists sa Malaysia. Sinundan ito ng mga di-mabilang na pagkilala mula sa mga prehistiyosong gawad-parangal tulad ng MTV Asia, Channel V, Anugerah Juarah Lagu Malaysia.
Hindi lamang sa pag-awit nakilala si Sitti. Siya rin ay isang manunulat ng awit, record producer, presenter o modelo at mangangalakal. Sa katunayan, siya ay nagmamay-ari ng produktong Ctea, isang tsaa sa Malaysia. Mayroon din siyang sariling production company, Sitti Nurhaliza Production na nasa larangan ng entertainment.

Tunay na ipinagmamalaki si Sitti Nurhaliza ang kaniyang mga kababayan bilang Asyano na may sadyang husay sa pagkanta at may natatanging kontribusyon sa larangan ng musika. Ang kaniyang magandang tinig at mabuting kalooban bilang isang babaeng Muslim na mang-aawit ay isa lamang sa mga katangiang nagustuhan ng kaniyang mga tagatangkilik. Isang idolo na may ginintuang tinig at ginintuang puso ng Asya.
Komento:
Komento:
Si Sitti Nurhaliza ay isa sa mga dapat tularan ng bawat tao sa ating mundo, ang kanyang kwento ay isang napaka gandang halimbawa para maging inspirasyon sa ating buhay. Para kay Sitti, ang kahirapan ay hindi hadlang para makamit ang pangarap niya sa buhay. Ang mga karanasan noong siya'y mahirap pa lamang ay hindi niya ikinakahiya, bagkus, ito ay naging lakas para siya'y magtagumpay. Masasabi natin na nararapat lang sa kanya ang buhay niya ngayon, dahil ito ay pinaghirapan niya, dumaan siya sa maraming pagsubok, at tiniis niya ang mga mabibigat na problemang kanyang napagdaanan. Masasabi nating siya ay nagtagumpay dahil, nakamit na niya ang kaniyang pangarap, at nakamit niya ito dahil siya ay nagsumikap, tinanggap ang bawat pagsubok.
No comments:
Post a Comment